top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

7 team, maglalaro sa 7s Super League

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2024
1 min read

ni Anthony Servinio @Sports | February 15, 2024





Malaking tulong ang maidudulot ng pagbubukas ng unang edisyon ng 7s Super League ngayong Marso 7 sa McKinley Hill Stadium sa Taguig City. Pitong koponan ang sasabak sa torneo tampok ang mas mabilis at makapigil-hiningang anyo ng Football na tiyak na aangkop sa panlasang Pinoy.


Nagpahiwatig ng kanilang paglahok ang Alabang South Supers, BGC Soldiers, Pampanga Strikers, Paranaque Super Nets, Quezon City Heroes, Siniloan GOM Blues at Pasig City Pirates. Kailangan lang na hindi bababa sa tatlo ang manlalaro na tunay na tubo sa lugar na kinakatawan ng koponan.


Maglalaro ng tatlong round o kabuuang 15 laro bawat isa. Ang apat na may pinakamataas na kartada ay tutuloy sa dalawang larong semifinals at ang finals ay winner-take-all.


Upang bigyan ng dagdag rekado ang aksiyon, may mga maglalaro na dating Azkals, artista at mga ibang celebrity. Sa ngayon ay hindi muna inilabas ang listahan habang hindi pa selyado ang kasunduan nila sa mga koponan.


Maliban sa McKinley ay planong paikutin ang mga laro sa tahanan ng mga koponan. Ito ay upang lalong mapalapit ito sa mga tagahanga.


Dahil pito lang kumpara sa kinagawiang 11 manlalaro, tiyak na walang pigil ang takbuhan sa mas maliit na palaruan. Hindi magkakaroon ng tabla at tiyak na may magwawagi sa bawat laro.


Para sa nagtatag ng liga at dating Azkals Anton del Rosario, nais niya na ang Super League ay magsilbing daan upang lalong pausbungin ang Football at tumuklas ng mga maaaring maglaro sa Azkals, sa Philippines Football League o sa ibayong-dagat. Bahagi din ng plano ang magkaroon ng Women's sa hinaharap.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page