7 senators, 26 cong., tumanggap daw ng kickback... AFFIDAVIT NG 18 EX-MARINES, NASA OMBUDSMAN NA
- BULGAR

- 17h
- 1 min read
ni Madel Moratillo @News | February 27, 2025

Photo File: Circulated
Isinumite sa Office of the Ombudsman ang signed affidavit ng mga dati umanong Marines na una nang humarap sa press conference at nagsiwalat ng nalalaman umano nila sa maleta delivery scheme.
Sabi ni Atty Levi Baligod, abogado ng 18 Marines, kabilang sa pinangalanan sa affidavit ay pitong senators, 26 House members, at iba pang opisyal ng gobyerno mula sa Bureau of Corrections, Department of Agriculture, at iba pa.
“Para magkaroon ng prima facie proof na may offense na na-commit at ang mga napangalanan doon ay maaaring guilty sa mga offenses na ito,” ani Baligod.
Sa isang pahayag, sinabi ng Ombudsman natanggap na nila ang Joint Affidavit.
Batay sa rules and procedures, ang nasabing dokumento ay sasailalim umano sa standard evaluation process. Kabilang dito ang pagdetermina sa sufficiency in form and substance, jurisdiction, at kung may prima facie basis para ipagpatuloy ang proseso.
Binigyang-diin ng Ombudsman na hindi sila dapat magamit bilang political arena. Nananatili umanong independent constitutional body ang Ombudsman.




Comments