7 sasakyan inararo ng jeep, 14 sugatan, 2 patay

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 21, 2024

Nawalan ng preno ang isang pampasaherong jeep at nang-araro sa Nagcarlan, Laguna kung saan may 2 nasawi at mahigit 14 ang sugatan.
Nahuli cam naman sa CCTV ang pangyayari kung saan natamaan ng nasabing jeep ang isang e-bike at traysikel at doon sumalpok pa ito sa isang establisyimento.
Patay ang 2 taong gulang na batang kinilalang si Sandra Margarette Arevalo na sakay ng e-bike, at ang 45 anyos na lalaking si Henry Audjie.
Ayon sa Nagcarlan Police, mahigit sa 14 ang sugatan, at 7 sasakyan din ang nadamay sa nangyaring banggaan.
Agad na sumuko ang driver ng jeep na kinilalang si Dario Dorado sa Nagcarlan Police.
Nilinaw naman ni Dorado na aksidente lang at walang may gusto sa nangyari.
Base sa ulat ng hepe ng Nagcarlan Police na si Police Major Paul Raymund Ayon, huli na ng nalaman ng driver na nawalan siya ng preno dahil sa pumarang pasahero, pababa rin ang daan ng kalsada na naging sanhi sa pagdire-diretso ng jeep.





Comments