Search
  • BULGAR

7 patay sa Air Force helicopter crash

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 16, 2021



Patay ang 7 katao matapos bumagsak ang Huey helicopter ng Philippine Air Force (PAF) sa Impasug-ong, Bukidnon ngayong Sabado, bandang alas-2 nang hapon.


Galing umano sa lungsod ng Malaybalay, Bukidnon ang mga sundalo at magdadala dapat ng supplies papuntang Impasug-ong nang magkaroon ng malfunction sa engine ng UH-1H Air Force helicopter na naging dahilan ng pag-crash nito.


Kinumpirma ni Public Affairs Office Chief Major Rodulfo Cordero ng 4th Infantry Division ng Philippine Army na nasawi ang 2 Air Force pilot, 3 miyembro ng Philippine Army at ang 2 miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAGFU) sa insidente.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.