7 kadete ng PNPA, kinasuhan sa hazing
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | April 23, 2026

Photo: File / PNPA
Sinampahan ng kasong kriminal sa Office of the Provincial Prosecutor sa Imus, Cavite ang pitong kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) kaugnay sa hazing sa 22 underclassmen.
Inihain ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang reklamo para sa paglabag sa Republic Act No. 11053 o ang Anti-Hazing Act of 2018.
Kabilang sa mga pinangalanang respondents ang mga third-class cadets na sina Harold Locop Heje, Lance Elroy Guinitaran Gayramon, Mhicco Legarda Escalante, Renz
Matthew Abuhan Cutab, at Renald Perfecto Brunio.
Tinukoy din ang dalawang second-class cadets na sina James Baldazan Bandao at Christopher Fernandez Dayag bilang mga sangkot sa kaso.
Kinasuhan din si Maj. Mark Anthony T. Cailing, na nagsilbing Tactical Officer of the Day nang mangyari ang insidente, gayundin si Senior Master Sgt. Silverio M. Dolorfino, Jr., na kanyang kasamang Tactical Police Non-Commissioned Officer.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente habang hinihintay ang resolusyon ng piskalya hinggil sa isinampang reklamo.




Comments