7 Astigin sa Metro Turf, Condition Race (20)
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | June 30, 2022
Magtatagpo ang pitong tigasing kabayo sa magaganap na Condition Race (20) ngayong gabi sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.
Kabilang sa mga kalahok ay ang paghaharap nina To It's Si Bing at Eyeshot.
Ang ibang makikipagtagisan sa distansiyang 1,400 meter race sina Sheer, Gil's Magic, Summer Cruise at Sky Dancer.
Komento ng mga karerista, mahirap mamili sa mga maglalaban na kabayo dahil halos lahat ay magagaling. "Mas mainam kung tatlong kabayo ang pipiliin kapag gumawa ng winner take all para malaki ang tsansa na makapuntos," ayon kay Serafin Salvador, veteran karerista.
Posibleng sina To It's Si Bing at Eyeshot ang magdomina sa bentahan sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Sasakyan ni dating Philippine Sportswriters Assocition, (PSA) Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema si To It's Si Bing habang si Ryan Roy Garcia ang gagabay kay Eyeshot.
Samantala, inaasahang aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng anim na kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System race na pakakawalan sa unang karera.
May pitong karera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya paniguradong masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Mga pili ni Green Lantern:
Race 1 - Antique Collector (5), Rafa (1)
Race 2 - Prime Time Magic/Dugong Bughaw (1/1A), Rain Rain Go Way (7), Right Answer (8)
Race 3 - Hot Rot Hearts/Double Happiness (2/2A), Smart Bell (3), Don't Stop Believin (4)
Race 4 - Mariacristinafalls (6), Star Of Kidapawan (2), Marino Ng Tanglaw (7)
Race 5 - Great Connection (5), Mutya Ng Lucban (1), Rise And Shine (7)
Race 6 - To It's Si Bing (3), Eye Shot (4), Sky Dancer (5)
Race 7 - Alonzo Hall (6), Phenom (2), Laughing Tiger (11)





Comments