top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

7 Astigin, magpapabilisan sa PHILRACOM PSA Cup

BULGAR
Jun 24, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | June 24, 2022


Bakbakan ang pitong tigasing kabayo sa magaganap na Philippine Sportswriters Association (PSA) Cup na ilalarga sa San Lazaro Business and Leisure Park sa Carmona, Cavite, ngayong araw.


Nakatutok sa mga liyamadista si Super Ninja na rerendahan ni Pabs Cabalejo sa karerang may distansiyang 1,600 meter race. Komento ng mga karerista sa social media, inaasahang mapapalaban si Super Ninja sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Makakatagisan ng bilis ni Super Ninja sina Darleb, Crowded Trade, Truly Ponti, Dragon Butterfly, Shastaloo at Time For Glory. Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P300,000, kukubrahin ng second placer ang P112,500 habang P62,500 ang sa third. May nakalaan din na premyo para sa breeder ng winning horse.


Samantala, ang tampok na karera bilang selebrasyon ng Araw ng Maynila ay ang Grand Copa De Manila stakes race na pakakawalan sa pang-apat na karera. Ang panalo sa event ay pararangalan ng Manila Mayor Mel C. Lopez trophy at may top purse na P300,000 habang ang 2nd at 3rd placers ay tatanggap ng P112,500 at 62,500.


Ang mga kasali sa distansyang 1,600 meter race at nakalaan ang P600,000 na premyo ay sina Boss Emong, Big Lagoon, Gusto Mucho, King Tiger, Life Gets Better at magka-kuwadrang Magtotobetsky at Robin Hood.


Si Boss Emong ang posibleng magdomina ng bentahan dahil batak na ito sa malalaking stakes races. Maibubulsa ng second placer ang P225,000 habang P125,000 sa mapupunta sa pangatlong kabayong tatawid sa meta. Tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa kanilang pananaya dahil naglaan ang Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ng 13 races.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Full Combat Oder (1)

Race 2 - Work Bell (4), Sudden Impact (2), Patong Patong (7)

Race 3 - Ninong (8), Tocque Bell (5), Early Bird (9)

Race 4 - Magtotobetsky/Robin Hood (4/4A), Boss Emong (1)

Race 5 - Obra Maestra (1), GreatWall/Asiong (2/2A), Beli Bell (3)

Race 6 - Super Ninja (3), Truly Ponti/Dragon Butterfly (1/1A)

Race 7 - Seychelles (3), Medaglia D' Amor (1), Stripe Of Pink (7)

Race 8 - Queen Louise (4), Lucky Noh Noh (5), Big Bertha (7)

Race 9 - Luke Skywalker (6), Baby Boss (14), Ambisioso (10)

Race 10 - Saoirse (4), Space Jam (3), Joyful Princess (2)

Race 11 - Skyscraper (11), Rodrigo (6), Fortress (8)

Race 12 - Right Answer/Laguardia (10/10A), Work From Home (4), Innocare (6)

Race 13 - Raxa Bago (14), Commodora (2), Laguna De Bay (7)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page