7 astig, magpapabilisan sa SLLP Handicapping
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |October 5, 2022
Pitong tigasing kabayo ang magtatagisan ng bilis sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong araw.
Makikilatis ang husay ni Amor Mi Amor sa distansiyang 1,400 meter race kung saan nakalaan ang added prize na P25,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.
May hahamigin din na karagdagang premyo na P10,000 ang winning horse owner sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Sasakyan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey of the Year awardee, Jessie Guce, ang ibang makakalaban ni Amor Mi Amor sina Del Monte, Buwayang Bato, Elite Dominator, Shine, Bisyo Mag Serbisyo at Kentucky Rain.
Samantala, inilampaso ni Tugatog ang mga nakalaban sa Eduardo "Duay" Calixto Trophy Race na pinakawalan sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.
Sinakyan ni veteran jockey Jeffrey Bacaycay, inirehistro ni Tugatog ang tiyempong 1:25.2 sa 1,400 meter race sapat upang ibulsa ng horse owner na si LB Tanala ang added prize na P20,000. Nagwagi si Tugatog ng may anim na kabayong agwat sa pumangalawang si Red Sole, tersero si Coldplay habang pumang-apat si Money Dance.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Star Of Kidapawan (3), Big Girl (1)
Race 2 - Amor Mi Amor (5), Bisyo Mag Serbisyo (6), Buwayang Bato (2)
Race 3 - Achy Holly (3), Galing Sa Mabait (4), Our Secret (7)
Race 4 - Daldalero (4), Lady Margaux (6)
Race 5 - Rockaway (5), Golden Eight (7), Sound Barrier (6)
Race 6 - Tiger Boy (6), Kevlar (4)
Race 7 - Roaring Kanyon (9), Ayuda (3), Enzo (4)





Comments