7 aso at 3 pusa, nilason, iniwan sa kalsada

ni janice Baricuatro @News | November 4, 2026

Photo: Aso at pusa nilason sa Brgy. Kaytitinga 3, Alfonso, Cavite - Carl Andrei Fenol Circulated
Pitong aso at tatlong pusa ang natagpuang patay sa dalawang kalsada sa Brgy. Kaytitinga 3, Alfonso, Cavite, matapos umanong lasunin.
Hinihinalang may halong lason sa daga ang pagkaing ibinigay sa mga hayop matapos makakita ng mga lalagyan ng pagkain sa lugar.
Naiulat na sa barangay at pulisya ang insidente. Nananawagan ang mga residente na suriin ang CCTV upang matukoy at mapanagot ang responsable.





Comments