7 arestado sa P4M puslit na yosi
- BULGAR

- Jun 2, 2023
- 1 min read
ni Mai Ancheta | June 2, 2023

Nasabat ng mga otoridad ang mahigit P4 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa karagatang bahagi ng Manalipa Island, Zamboanga City.
Ang pagkasamsam sa mga kontrabando ay resulta ng operasyon ng mga operatiba ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company at Bureau of Customs Zamboanga.
Nadakip din sa operasyon ang pitong smugglers na sina Atara Sakilan Wahab, Jester Ares, Nabil Abdurasad, Eldisen Ahalil, Omar Mahmor, Mhamor Baddon at Khay Atara.
Nagsasagawa umano ng seaborne patrol operation ang mga operatiba ng 2ZCMFC at BOC nang namataan ang isang lantsa na naglalayag malapit sa Manalipa Island.
Ang isla ang sinasabing lusutan ng mga smuggler mula sa Sulu papuntang Zamboanga Peninsula.
Nasamsam sa mga suspek ang kahon-kahong sigarilyo na nagkakahalaga ng P4,165,000 na nagmula umano sa Jolo, Sulu patungong Pagadian City.





Comments