7 arestado sa ilegal na pagmimina

by Jeff Tumbado @News | November 19, 2026

Photo: Ang mga indibidwal sa ilegal na pagmimina sa isang bulubunduking bahagi ng Brgy. Sto. Niño, Virac, Catanduanes - Circulated
Tiklo ang pitong kalalakihan dahil sa umano'y ilegal na pagmimina sa isang bulubunduking bahagi ng Brgy. Sto. Niño, Virac, Catanduanes nitong Martes ng hapon.
Ayon kay Police Lt. Col. Niño Lope M. Briones, nakatanggap muna ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang mga awtoridad hinggil sa naturang ilegal na aktibidad.
Isinagawa ng CIDG Catanduanes Provincial Field Unit, sa pangunguna ni Maj. Joven Osurman, ang operasyon katuwang ang iba pang police unit at mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources.
Huli sa akto sina alyas Alexis, 25; John Paul, 28; Christian, 31; Allan, 36; Quintal, 42; Jupiter, 49; at Aries, 39, na pawang residente ng Virac.
Nasamsam ang tatlong transparent na vial na naglalaman ng hinihinalang pinong ginto na may tinatayang bigat na 0.5 gramo, apat na kahoy na palanggana, limang pry bar, dalawang pala at isang kahoy na salaan.





Comments