ni Angela Fernando - Trainee @News | March 17, 2024
Humirit ang United Nations sa mga magkakalabang factions sa Sudan na hayaan ang pagpapadala ng humanitarian relief para maiwasan ang banta ng gutom sa kanilang bansa.
Nakasaad sa dokumento ng UN na nasa 6-milyong Sudanese ang maaaring makaranas ng gutom sa mga susunod na buwan dahil sa patuloy at lumalalang alitan sa pagitan ng magkalabang mga heneral ng Sudan.
May 18-milyong Sudanese na ang humaharap sa acute food insecurity sa kasalukuyan at halos 730,000 ay kabataan.
Nagbabala na rin ang World Food Programme ng UN na posibleng magtala ng malawakang hunger crisis sa buong mundo ang giyera sa nasabing bansa.
Comentarios