656 bagong mga kaso ng Omicron subvariants – DOH
ni Lolet Abania | September 5, 2022

Nakapagtala ng 656 karagdagang kaso ng mas nakahahawang mga Omicron COVID-19 subvariants, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes.
Batay sa latest figures mula sa DOH, naka-detect ang bansa ng 624 bagong kaso ng Omicron BA.5, 13 pang BA.4 cases, isang kaso ng BA.2.12.1 at 18 na itinuturing bilang “other sublineages.”
Sa bagong BA.5 cases, marami ang naitala sa Metro Manila na 134, Cordillera Administrative Region (CAR) na 119 at Calabarzon na nasa 61.
Nai-report naman ang BA.4 cases sa Soccsksargen na may 11, at Central Luzon at Central Visayas na parehong tig-isang kaso.
Sa Central Luzon, naitala naman ang isang kaso ng BA.2.12.1.
Base sa DOH data, ang mga naturang resulta ay mula sa latest sequencing run na isinagawa nitong Setyembre 2.





Comments