65 MRT-3 wagons, bagong bihis – DOTr
ni Lolet Abania | October 4, 2022

May kabuuang 65 light rail vehicles (LRVs) o wagon ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang nagawang ma-overhaul, ayon sa Department of Transportation (DOTr) ngayong Martes.
Sinabi ng DOTr na sa pag-overhaul ng LRV, ang mga parts nito ay kanilang ni-repair at pinalitan. Sumailalim din ang mga ito sa isang series ng system checks para matiyak na magiging ligtas ang mga tren sa pagbiyahe.
Samantala, pito lamang mula sa 72 MRT-3 wagons ang nakaiskedyul na sumailalim naman sa general overhauling ng maintenance provider na Sumitomo-MHI-TESP ng train line.





Comments