top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

64 OFWs mula Israel, darating na

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 6, 2023
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 6, 2023




Inaasahan ang pagdating ng 64 overseas Filipino workers mula sa Israel ngayong linggo bilang bahagi ng government repatriation dahil sa kasalukuyang alitan sa Middle East.


Ayon kay Department of Migrant Workers officer-in-charge Undersecretary Hans Leo Cacdac, inaasahan ang pagdating ng unang grupo ng OFWs ngayong hapon, na binubuo ng 22 OFWs at isang bata.


Ikalimang grupo na ng OFWs ang darating sa pamamagitan ng Etihad Airways flight EY 424 sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA-3).


Sa mga OFWs na darating, 19 ang mga caregivers habang mga trabahador sa hotel ang natitirang tatlo.


Bukas naman, Nobyembre 7, inaasahan ang pagdating ng karagdagang 42 OFWs na magiging ikaanim na grupo ng mga Pinoy na napauwi mula nang magsimula ang alitan noong Oktubre 7.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page