63 nadale ng outbreak… 2 inmates, patay sa diarrhea sa Cabuyao City Jail
- BULGAR
- Sep 22, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 22, 2022

Nasawi ang dalawang persons deprived of liberty (PDL) sa Cabuyao City Jail sa Laguna dahil ito sa diarrhea, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ngayong Huwebes.
Sa ngayon, sinabi ni BJMP spokesman Xavier Solda na under control na ang diarrhea outbreak.
Base sa datos ng BJMP, mayroong 63 PDLs ang nagkasakit dahil sa kontaminadong tubig sa loob ng jail facility.
Pinayuhan naman ang 29 sa mga apektadong inmates na ipagpatuloy ang pagtanggap ng medical treatment para labanan ang sakit.
Agad na ring nagbigay ang lokal na gobyerno ng Cabuyao sa detention facility ng mga mineral water at water dispensers upang masugpo ang outbreak.
Gayundin, nag-install na ng mga water filters sa mga gripo sa city jail.
Iniutos naman ni BJMP chief Allan Iral sa health services at sa warden ng city jail na mahigpit na i-monitor ang mga PDLs at tiyakin na ang diarrhea outbreaks ay huwag nang mangyari ulit.




Comments