61 yrs. old nag-amok, arestado

ni Loraine Fuasan (OJT) | March 27, 2023

GERMANY — Iniulat ng police na pinasabog umano ng isang 61-anyos ang entrance ng isang apartment building sa Berlin.
Arestado rin ang lalaki matapos saksakin ng kutsilyo ang tatlo katao.
Sa pahayag ng pulisya, tatlong biktima ang sugatan sa naturang pagsabog, ito ay
dalawang babae na nasa 42 at 48-anyos at isang 61 taong gulang na lalaki ang napinsala nang malala na naging dahilan ng pagbabanta sa kanyang buhay.
Bagama't hindi naglabas ang pulisya ng mga detalye sa pagkakakilanlan ng mga biktima, ang sinasabing suspek at ang dalawang biktima na babae ay mula sa Serbian, habang ang sugatang lalaki ay mula sa Bosnia-Herzegovina.





Comments