600 preso, laya na

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 30, 2024

Pinalaya ngayong Martes ang mahigit sa 600 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa iba't ibang bilangguan at penal farms ng Bureau of Corrections (BuCor), ayon sa Department of Justice (DOJ).
Sinabi ng DOJ na nagdadala ito sa kabuuang bilang na 9,228 mga PDLs na nakalaya mula Hulyo 2022.
“This is a significant progress in addressing prison congestion and enhancing the treatment of PDLs, adhering to the United Nations (UN) Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners,” sabi ng ahensya sa isang pahayag.
Ayon sa ahensya, ipinatupad nito ang mga hakbang upang mapabilis ang proseso sa pagpapalaya at mapabuti ang pamamahala, tulad ng paglalagay ng mga rekord sa online at pagbaba ng piyansa para sa mga mahihirap na tao sa korte.
Noong Disyembre 2023, nagtipon ang mga pinakamataas na opisyal mula sa iba't ibang ahensya ng gobyerno at mga diplomat upang tugunan ang pagsisiksikan sa mga pasilidad ng bilangguan at piitan ng bansa sa pamamagitan ng isang National Jail Decongestion Summit.





Comments