600 PDLs, nagkapigsa dahil sa init — BJMP

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 7, 2024

Naitala na 600 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang may mga pigsa dahil sa matinding init na dinaranas sa mga pasilidad ng bilangguan, ayon sa pahayag ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Linggo.
Sinabi ni BJMP spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera na pangunahing binabantayan nila ang mga sakit sa balat na lumalabas at kumakalat sa gitna ng mainit na panahon, kasunod ng hypertension at gastroenteritis.
Nagdadala ng panganib sa kalusugan ng mga PDL ang sobrang init at pagsisiksikan sa mga city jail ng bansa.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Bustinera na mayroon ang BJMP ng 334% na rate ng 'congestion.' Mas mababa ito kumpara sa 370% na rate noong nakaraang taon.





Comments