top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

60 Puntos, binanatan ni Irving; Sakalam pa rin ang Phoenix

BULGAR
Mar 17, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 17, 2022




Napantayan ni Kyrie Irving ang markang 60 puntos sa 150-108 tambak ng bisitang Brooklyn Nets sa Orlando Magic sa NBA kahapon sa Amway Center. Ang 60 ang pinakamaraming puntos ng isang manlalaro ngayong taon na unang naitala ni Karl Anthony Towns ng Minnesota Timberwolves sa 149-139 panalo kontra sa San Antonio Spurs noong isang araw.

Maaaring mas marami pa sana ang puntos ni Irving subalit maaga siyang pinaupo matapos gumawa ng 9 na puntos sa unang apat na minuto ng fourth quarter at itulak palayo ang Nets, 131-94. Kahit wala na ang mga bituin, pumukpok pa rin ang mga reserba ng Brooklyn at itinayo ang pinakamalaking 150-106 lamang at isang minuto ang nalalabi.

Naglaro ng 35 minuto lang si Irving kung saan pumukol siya ng walong 3-points. Sinuportahan siya nina Kevin Durant na may 19 puntos at Patty Mills na lahat ng 15 puntos ay galing sa limang tres.

Nilampasan din ni Irving ang kanyang personal na marka na 57 na ginawa noong siya ay bahagi ng Cleveland Cavaliers sa 128-125 overtime panalo sa San Antonio Spurs noong Marso 12, 2015. Noong isang araw ay pinagmulta ang Nets ng $50,0000 (P2.616M) matapos nilang papasukin ang hindi pa rin bakunado at itinuturing na “tagahanga” na si Irving sa kanilang silid bihisan sa Barclays Center sa kalagitnaan ng laro nila laban sa bisitang New York Knicks na paglabag sa mga health protocol.

Patuloy pa rin ang pagsikat ng Phoenix Suns sa taas ng buong NBA at pinabagsak ang New Orleans Pelicans, 131-109. Kumilos ang Suns sa second period sa likod nina Mikal Bridges, Cameron Payne at Devin Booker upang maagaw ang lamang at hindi na nila binitawan ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page