60-day import ban sa karne ng baboy

ni Mai Ancheta @News | November 10, 2026

Photo: File
Magpapatupad ng 60-araw na import ban upang mapataas ang presyo ng produkto ng lokal na karne ng baboy.
Kasunod ito ng inilabas na Department Order No. 33 ng Department of Agriculture bilang bahagi ng hakbang ng gobyerno upang protektahan ang mga lokal na nag-aalaga ng baboy.
Sinabi ni Secretary Francisco P. Tiu Laurel na maaari pang ma-extend ang import ban batay sa pangangailangan ng sektor ng magbababoy, lalo na kung hindi masyadong kikita sa kanilang farmgate price
Sa kasalukuyan ay nasa P140 per kilo ang average farmgate price ng buhay na baboy at P150 per kilo ang commercial na karne ng baboy.
Magiging epektibo ang import ban sa Nov. 24 at sakop nito ang sariwa, chilled at frozen na karne ng baboy.





Comments