6 pulis, sibak sa kickback
- BULGAR

- Apr 22
- 1 min read
ni BRT @News | April 22, 2026

Photo: File / PNP
Anim na tauhan ng Philippine National Police-Training Service (PNP-TS) sa Cordillera ang tinanggal sa puwesto matapos masangkot sa umano’y “barracks rental kickback scheme”.
Ito ang inanunsyo ni PNP Training Service Director, PBGen. Rolindo Suguilon sa pulong balitaan sa Kampo Crame, matapos mag-viral ang post sa social media noong Abril 19.
Nabatid na ginagawa umano ang kickback scheme sa Regional Special Training Units para sa 6-Month Field Training Program Immersion phase ng Police Trainees.
Tinataasan umano ng mga pulis ang rental rates o pinapatawan ng P500 mark-up per month ang trainees.
Patuloy ang imbestigasyon sa naturang alegasyon.





Comments