6 na sundalo, sugatan sa pamamaril sa Basilan

by BRT @News | October 5, 2026

Photo: AF
Sugatan ang anim na sundalo matapos paulanan ng bala ang kanilang convoy ng dalawang sasakyan sa Tipo-Tipo, Basilan, nitong Lunes ng umaga.
Ayon sa paunang ulat, bumiyahe ang mga sundalo ng 45th Infantry Battalion patungo sa headquarters ng 1101st Infantry Brigade nang pagbabarilin sila ng mga hindi pa nakikilalang armadong lalaki sa Barangay Badja.
Agad dinala sa ospital sa Lamitan City ang mga sugatan.
Kalaunan, inilikas sila sakay ng Black Hawk helicopter para sa karagdagang gamutan sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City.





Comments