6 na astigin, mag-uunahan sa Condition Race SLLP
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | August 13, 2022
Haharurot ang anim na kabayo sa magaganap na Condition Race (18) na ilalarga ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
May distansiyang 1,400 meter race, isa sa markado ng mga liyamadista ay si Tiger Boy na posibleng magdomina sa takilya.
Base sa mga komento ng mga karerista, inaasahang magbibigay ng magandang laban kay Tiger Boy ay sina Liquid Gold at Critical Moments.
Rerendahan ni jockey Andreu Villegas ang ibang makakatagisan ng bilis ni Tiger Boy ay sina Ambisioso, Electrify at After Party.
"Si Electrify din, isa yan sa puwedeng sumilat kay Tiger Boy," saad ni Felipe De Guzman, veteran karerista. "Baka dalawa ang kunin ko para sa winner take all ko."
Ang nasabing karera ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon, pakakawalan ito sa unang karera.
Sa ikakasang PHILRACOM Rating Based Handicapping System sa pang-walong karera, magbabanatan naman ang siyam na tigasing kabayo sa distansiyang 1,500 meter race.
Una sa listahan si Walkin On Sunshine, ang iba ay sina Calamian Island, Shine, Big Bertha, One Fifteen, Super Master, Moderne Cong, Tocque Bell at Medaglia D'amor.
Samantala, siyam na karera ang pakakawalan ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw kaya tiyak na masisiyahan na naman ang mga karerista sa kanilang pananaya.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Tiger Boy (5), Ambisioso (4)
Race 2 - Noir (5), Lady Goldie (8)
Race 3 - Commodora (8), Jean Genie (10), Barayong (1)
Race 4 - Sagitsit (2), Classic Gee (6)
Race 5 - It's A Deal (5), Yes Kitty (9), Moves Like Jagger (3)
Race 6 - Palibhasa Lalake (3), Kid Baloloy/Gomezian (6/6A)
Race 7 - Our Secret/Manila Boy (5/5A), Color Blast (7), Mythic Layla (9)
Race 8 - Super Master/Moderne Cong (5/5A), Tocque Bell (6), Shine (3)
Race 9 - Seychelles (11), Buwayang Bato (9), Pakikisama (3)





Comments