6 lugar Signal No. 1 dahil kay ‘Maymay’
ni Lolet Abania | October 11, 2022

Anim na lugar ang isinailalim sa Signal No. 1 habang nananatili ang lakas ng Tropical Depression Maymay at dahan-dahang kumikilos pakanluran timog-kanluran patungong Philippine sea sa silangan ng Aurora, ayon sa PAGASA ngayong Martes.
Sa kanilang 11AM bulletin, sinabi ng PAGASA na ang mga lugar na nasa Signal No. 1, kung saan may bugso ng hanging nasa 39-61 km/h ang maaaring asahan sa tinatayang 36 oras o intermittent rains na posible rin sa loob ng 36 oras, ay Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija at ang extreme northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta) kabilang ang Pollilo Islands.
Sa forecast ng PAGASA na base sa track at intensity outlook, ang Bagyong Maymay ay patuloy na dahan-dahang kumikilos west southwestward o westward patungong Central Luzon. Habang ang sentro na mag-landfall sa bisinidad ng Aurora o northern portion ng Quezon ay sa Miyerkules ng hapon o gabi.
Batay din sa mga datos ng state weather bureau, ang sentro ni Maymay ay tinatayang nasa 285 km east ng Casiguran, Aurora (16.1 °N, 124.8 °E), na may maximum sustained winds na 45 km/h malapit sa sentro at gustiness na aabot hanggang 55 km/h.
Asahan na rin ang katamtaman hanggang sa malakas at paminsan-minsang matinding buhos ng ulan sa buong Cagayan, Isabela, Batanes at Apayao ng Martes hanggang Miyerkules ng umaga, ayon pa sa PAGASA.





Comments