6 indibidwal, huli sa land scam
ni Lolet Abania | August 21, 2022

Arestado ang anim na indibidwal ng pulisya sa Quezon dahil sa paggamit ng pekeng titulo para magsangla ng lupa o real estate nitong Sabado.
Batay sa ulat, galit na galit ang mga biktima habang kinukompronta ang mga suspek na nagsangla ng kanilang lupa gamit ang mga pekeng dokumento.
Ilan pa sa mga biktima ay napilitang bumalik sa United States matapos na mabatid ang naturang scheme.
“I will spend all my money just to put you in jail,” pahayag ng isang babaeng biktima.
Ayon sa mga awtoridad, humingi ng tulong ang mga biktima sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Quezon para madakip ang mga suspek.
Ang mga suspek, na tumangging magbigay ng statement, ay kasalukuyang nakadetine sa CIDG provincial office sa Lucena City.





Comments