top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

6-anyos natagpuang putol ang ari

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 11, 2023
1 min read

ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 11, 2023




SOUTH AFRICA — Isang 6-anyos na bata ang natagpuang duguan, balot ng pepper spray at putol ang ari sa bayan ng Boksburg, Gauteng.


Natagpuan umano ang bata habang tinutugis ng mga lokal na residente ang 2 kriminal nang makarinig sila ng hiyaw ng tulong.


Natagpuan nila ang isang duguang bata na unang inakalang sinaksak, ngunit nang siyasatin ang katawan ng bata, natuklasan na putol ang ari nito at pangunahing dahilan ng pagdurugo.


Agad na dinala ang biktima sa ospital at kasalukuyan nang nasa maayos na kalagayan.

Kinumpirma ni Boksburg South African Police station Colonel Matshedeso Mbele, na nangyari ang insidente Marso 1 at kasalukuyan nang iniimbestigahan ang kaso bilang attempted murder.


Hindi naman naghayag pa ng komento si Colonel Mbele sa matinding karahasang nararanasan ng biktima at isinaad na mas mabuting hindi ito malaman. Samantala, hindi pa tukoy ang suspek at ang edad nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page