56 lang na patay sa 6k na may COVID sa Taguig, ikinatuwa ni Mayor Cayetano
- BULGAR

- Sep 25, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 25, 2020

Naglaan ang lokal na pamahalaan ng Taguig City ng halagang P1 million kada barangay sa lungsod na makatutulong sa ginagawang paglaban sa COVID-19, ayon kay Mayor Lino Cayetano. "Taguig City has released a total of P1 million per barangay, to all barangays in the city of Taguig. The second tranche, which is P500,000, is released this week," sabi ni Cayetano, kasabay ng inagurasyon kanina ng COVID-19 mega-complex facility sa lungsod. "'Yung P1 million per barangay na 'yun, can be used by the barangays for COVID-related projects," dagdag niya. Ipinagmalaki rin ni Cayetano na nananatili ang Taguig City sa mga lugar sa Metro Manila na naitalang may pinakamababang kaso ng mga namatay dahil sa Coronavirus. Lahat nang ito ay dahil sa ibinibigay na serbisyo ng mga medical frontliners at pagtutulungan ng gobyerno at nglokal na pamahalaan.
"Taguig remains the lowest active case here in NCR. Nanatili na isa sa pinakamababang case fatality rate, hindi lamang ho sa Pilipinas, sa buong mundo, 'yung napakababang case fatality rate natin. Only 56 deaths in 6,000 infections," sabi ni Cayetano. "Tayo rin ho ang isa sa mababang attack rate at lahat ho 'yan ang binibigyan nating puri ay ang masisipag at magagaling na medical health workers, mga government and private frontliners, at matibay ho na pakikipag-ugnayan ng national and local government," aniya pa. Samantala, nakapagtala ang Taguig ng 6,988 COVID-19 cases, kung saan 389 ay active at 6,544 ang nakarekober.





Comments