top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

54 Esports nat'l players lalarga sa Vietnam SEAG

BULGAR
Mar 6, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | March 6, 2022




Isang malaking delegasyon ang ipadadala ng Esports national team na Sibol squad patungong 31st SEA Games na aabot sa 54 atleta upang subukang sumungkit ng medalya sa 10 events kabilang na ang pagdedepensa sa Mobile Legends: Bang Bang simula Mayo 12-25 sa Hanoi, Vietnam.


Ipaparada ng M3 World Champion na Blacklist International ang 7 manlalaro ng listahan para sa MLBB event sa pangunguna ng mga kilalang miyembrong sina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna, Danerie James “Wise” Del Rosario at Salic Alauya “Hadji” Imam. Makikipagbarilan ang grupo ng Pacific Macta (5) para sa CrossFire (PC), Rise National Esports (4) at God Ascends (4) para sa Free Fire, at PUBG Mobile (team at individual) na KHI Esports (5) at Zap Battlegroundz (5).


Diskartehan ang labanan nang samahan ng West Point Esports (5) para sa League of Legends (PC), Imperial Esports sa Arena of Valor, Wild Rift men’s na Looking Adoption (6) at Wild Rift women’s GrindSky EsportsEris (5) at FIFA Online 4 (PC) na lalaruin nina Rad Novales, Aljhon Argete Canas at football athlete Jorrel Aristorenas.


Ayon kay Philippine ESports Organization (PEsO) secretary-general Joebert Yu, gagawin lahat ng kanilang mga kinatawan na mahigitan ang tatlong gintong medalyang naibulsa nila noong 2019 Manila meet, kung saan dalawang events na lang ang natira gaya ng MLBB at Arena of Valor, habang natanggal ang gold medals ng bansa na Starcraft II at DOTA 2, gayundin ang Heartstone at Tekken 7. Ngunit dahil sa nasunod ang host country sa pagpili ng mga lalaruing events, mahirap umanong matantya ang tumapak na bilang ng mga medalya sa biennial meet.


“I want to base my answers according to data, but if I’m going to answer it, we’ll be guaranteed that we will bring a medal. Dahil first time natin sa visiting country, ayaw nating magsalita ng hindi natin alam kase wala tayong data na nangyari dun,” pahayag ni Yu sa isang online sports program.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page