52 barangay, apektado ng Mayon... Mga hayop, pananim, nangamatay
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ng BRT @News | May 4, 2026

Photo: PCO
Ilang alagang hayop ang nangamatay habang natuyo naman ang mga pananim dulot ng ashfall mula sa Bulkang Mayon.
Samantala, umabot na sa 52 barangay ang apektado ng ashfall bunsod ng patuloy na pagtaas ng aktibidad ng Mayon, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), magkakasunod na volcanic activity ang nagdulot ng makapal na abo na tumakip sa iba’t ibang bahagi ng Albay.
Alas-4:28 ng hapon, nagkaroon ng lava collapse sa summit ng bulkan na nag-generate ng pyroclastic density currents (PDCs) partikular sa Mi-isi Gully sa southwestern slopes. Tinatayang umabot sa apat na kilometro ang inilabas na PDCs, na itinuturing na pinakamalaki mula sa huling pagputok ng Mayon.
Nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang bulkan, indikasyon ng magmatic unrest at posibilidad ng mas mapanganib na pagputok. Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6 km Permanent Danger Zone (PDZ).
Kabilang sa mga barangay na apektado ng ashfall ay mula sa mga bayan ng Camalig, Guinobatan, Daraga, at Legazpi City.




Comments