top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

516 estudyante nalason sa free-meals ng gobyerno

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | September 3, 2026



Food poisoning sa free meals ng gobyerno sa  Sidoarjo, East Java, Indonesia - Suryanto / Reuters

Photo: Ayon kay Sidoarjo local government head Subandi na karamihan sa 516 estudyanteng naospital ay nakalabas na. Kumuha rin ang pulisya ng mga sample mula sa pagkain para sa pagsusuri. - Suryanto / Reuters



Nasa 516 estudyante ang isinugod sa mga pagamutan matapos umanong makaranas ng food poisoning sa Sidoarjo, East Java, Indonesia, kasunod ng pagkain mula sa government free-meals program nitong Martes.


Ayon kay East Java Deputy Governor Emil Dardak, iniimbestigahan ng National Nutrition Agency kung ang nakain na tanghalian ng mga estudyante ang naging sanhi ng kanilang pagkakasakit.


Sinabi naman ni Sidoarjo local government head Subandi na karamihan sa 516 estudyanteng naospital ay nakalabas na. Kumuha rin ang pulisya ng mga sample mula sa pagkain para sa pagsusuri.


Bahagi ang insidente ng sunud-sunod na reklamo tungkol sa free-meals program na inilunsad ni President Prabowo Subianto noong nakaraang taon para mabigyan ng libreng pagkain ang sampung milyong bata at makatulong sa problema sa malnutrisyon.


Ayon sa non-government watchdog na Network for Education Watch, nasa 37,600 kaso na ng food poisoning ang naiugnay sa programa hanggang Agosto 8.


Ipinunto naman ng mga awtoridad na kabilang sa karaniwang pinagmumulan ng problema ang maling pagtatago ng pagkain at pagkaantala sa paghahatid ng mga lutong pagkain.


Kasabay ng bagong insidente ang hakbang ng bagong lider ng National Nutrition Agency na ayusin ang pagpapatupad ng programa. Daan-daang kitchens na rin ang ipinasara dahil sa mga paglabag sa quality standards.


Naging usapin din ang pamamalakad ng ahensya matapos magpalit ng liderato, kabilang ang dating pinuno na naaresto noong Hunyo dahil sa alegasyon ng korapsyon.

Nilimitahan din ng pamahalaan ang saklaw ng programa habang nababahala naman ang ilang investors sa malaking gastusin nito na maaaring magpalaki sa fiscal deficit ng

bansa.


Sa isang survey noong Hulyo ng Saiful Mujani Research and Consulting, lumitaw na nasa isang-katlo lamang ng mga respondent ang nasiyahan sa programa, kung saan malaking dahilan ang mga naiulat na insidente ng food poisoning.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page