top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

50M Nat’l ID cards, target ideliber sa katapusan ng 2022 – PSA

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 13, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | August 13, 2022



Ipinahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mas pag-iibayuhin pa nila ang produksyon ng Philippine Identification System (PhilSys) cards o National ID cards para maka-comply sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mag-isyu ng 50 milyong IDs sa katapusan ng taon.


Sa isang interview ngayong Sabado, sinabi ni PSA Deputy National Statistician Fred Sollesta, “Starting October, magra-ramp up kami together with BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) ng card production from around 80,000 [a day], tina-target namin starting October ma-increase siya sa 133,000 [a day].”


Ayon kay Sollesta, ang PSA ay magro-roll out din ng printable at digital versions ng National IDs para makamit ang target na 50 milyon IDs na inisyu sa katapusan ng taon.


Matatandaan na sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA), iniutos ni Pangulong Marcos ang pagpapalabas o issuance ng 30 milyong physical cards at 20 milyong digital PhilSys IDs upang makamit ang minimithing layunin na makapag-isyu ng 92 milyon nito sa kalagitnaan ng susunod na taon.


Binanggit naman ni Sollesta na ang printable at digital versions ng National ID ay magkakaroon ng parehong features sa physical cards, gaya ng isang kakaiba o unique na QR code na maaaring i-scan para sa authentication.


“The printable and digital versions will be issued to those who are yet to receive their physical cards and are still valid proof of one’s identification,” ayon sa PSA official.


Sa ngayong aniya, nasa 71 milyong Pilipino ang nakapag-register sa PhilSys, kung saan ang kanilang demographic at biometrics information ay nakuha na.


Sa nasabing bilang, 17 milyong cards ang na-produce na kung saan 15 milyon dito ang naipamahagi na.


“By first semester of 2023, we will deliver 92 million combinations of physical, printable, and mobile IDs,” sabi pa ni Sollesta.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page