50 labi ng Bilibid inmates, ililibing na – BuCor
ni Lolet Abania | November 21, 2022

Plano nang ilibing ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga labi ng 50 inmates na namatay sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Biyernes.
Ayon kay BuCor chief Gregorio Catapang, iimbitahan ng ahensya ang mga kaanak ng mga namatay na inmates sa libing ng mga ito.
“I intend to bury some of them this Friday and I’m inviting the relatives,” pahayag ni Catapang sa interview ng ANC ngayong Lunes.
“I, too, want them to be buried. To give prayers or honor to them,” dagdag niya.
Ito ang kanilang tugon matapos na isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay manawagan para sa nararapat na paglilibing sa mga Bilibid inmates.
“Kasi ‘yung katawan ay pinaglagakan ng kaluluwa na bigay ng Diyos sa atin. At siyempre, nu’ng nilikha tayo ng Diyos, nando’n ‘yung dignity of the human person. Kaya kumbaga, ‘yung paggalang sa buhay ng tao at paggalang din do’n sa kanyang katawan eh dapat nando’n,” paliwanag ni CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care Executive Secretary Fr. Nezelle Lirio.
Ayon sa BuCor, nailibing na ang 10 bangkay sa loob ng state penitentiary habang dosenang iba pa ang nakalagak sa isang funeral parlor sa Muntinlupa City.
Una nang sinabi ng Department of Justice (DOJ) na ang mga unclaimed remains na hindi na sasailalim pa sa autopsy ay kanila nang ililibing.
Habang ang mga katawan na kailangang i-autopsy ay mananatili pa hanggang hindi natatapos ang examination dito.





Comments