50 bahay, wasak sa buhawi
- BULGAR

- Apr 15, 2023
- 1 min read
ni J. Repol | April 15, 2023

Nasa 50 bahay ang nawasak sa pananalasa ng buhawi sa East Auckland, New Zealand.
Batay sa isang ulat, posible umanong magkaroon ng tornado kung may mga kidlat ngunit hindi ito karaniwang nangyayari sa nasabing bansa kaya’t gayon na lamang ang takot ng mga residente.
Maaari umabong dala ito ng climate change o global warming dahil hindi stable ang temperatura sa bansa at sa kasaysayan ng mga kalamidad na tumama ay hindi karaniwan ang tumamang buhawi.





Comments