5 yrs. nagsama… JAI AT AGASSI, TOGETHER AGAIN MATAPOS MAG-BREAK
- BULGAR
- Feb 27
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 27, 2025
Masaya at may bukingan pa sa mediacon ng horror-thriller movie na POSTMORTEM na showing na sa March 19, 2025.
Horror ang tema ng movie, pero may halong pakilig ang mediacon dahil nabuking na former couple sina Jai Asuncion at Agassi Ching o ang kilalang love team sa vlogging na “JaiGa”.
Nanghinayang ang press nang malamang tumagal ng five years ang kanilang relasyon but they decided to breakup.
Ang maganda lang, they remain friends, nagko-collab pa rin yata sa kanilang mga vlogs at higit sa lahat, nakaya pang makasama ang isa’t isa sa pelikula.
Sa trailer, mapapansin ang husay ni Jai na ang background ay theater at ilang beses ding nabanggit ni Alex Medina na kinakitaan niya ng husay sa acting si Jai. Of course, kay Alex, wala nang doubt dahil mahusay itong aktor, mana sa ama niyang si Pen Medina.
Natawa lang ang press people sa sinabi nitong dahil hindi niya masyadong kamukha ang ama, hindi siya nape-pressure na dalhin ang apelyido nito.
Samantala, pinansin ng press ang paalala ni Cristy Fermin kay Director Tom Nava na ‘wag matakot sa press. Inusisa tuloy siya kung may dapat ba siyang ikatakot o may tanong sa kanya na hindi puwedeng itanong.
“Medyo takot ako sa press dahil hindi ako sanay sa camera at hindi rin ako sanay sa maraming tao. Mahal ko naman kayo,” sabi nito.
May itinanong kami kay Direk Tom, may pagka-personal at sinagot nito nang positive sa pamamagitan nang pag-nod, so confirmed at totoo nga. Hindi na namin isinulat at baka bawal.
Nabanggit nito na isinumite niya sa 2024 MMFF ang Postmortem, hindi lang napili.
“Naniniwala ako na may dahilan kung bakit hindi kami nakapasok sa MMFF at may tamang panahon para sa pelikula at sa March 19 na nga ‘yun,” wika nito.
Segue ito sa balita namin kahapon kina Julia Barretto at Liza Soberano tungkol sa pagiging new endorser ng una ng isang digital banking app.
Winelcome siya ni Liza, ipinost ang TVC nito na may hawak na candle at sabi, “Welcome to the @mayaiseverything family @juliabarretto.”
Sumagot si Julia ng “Thank you, Liza.”
Sa short convo na ‘yun, lumalabas na hindi pinalitan ni Julia si Liza, kundi dagdag na endorser ang una sa Maya. Ibig sabihin, sanib-puwersa ang dalawa para palakasin ang nasabing digital banking app at sa dami ng kanilang mga fans, tiyak na madaragdagan ang users nito.
May mga requests nga na pagsamahin sa TVC sina Julia at Liza na hopefully, walang magiging problema at tiyak namang papayag ang kani-kanyang management company.
Comment nga ng mga fans, kung sa pelikula o telebisyon ay hindi sila nagkaroon ng chance na magkasama, baka sa TVC ng digital banking app, magkasama sila.
BUKOD kay Rhian Ramos, si Marvin Agustin ang kinumpirma ni Mr. Chris Ah, president ng Filipino-Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) na dadalo sa gaganaping Bakery Fair 2025.
Kaya lang, unlike Rhian na dadalo at magde-demo, si Marvin ay hindi makakapag-demo.
“Magaling ding mag-bake si Marvin, pinaunlakan tayo at sabi, dadalhin n’ya ang kanyang team. We want Marvin to make a demo, kaya lang puno ang schedule natin, pupunta na lang s’ya at kanyang team,” pagbabalita ni Mr. Chris.
Gaganapin sa World Trade Center for three days ang Bakery Fair, mula March 6 to 8.
Si Rhian, naka-schedule ang demo na “How to Bake Frozen “Bas Bake” Cookies” sa Day 1 ng event at 11:30 AM. Hindi kami magugulat kung marami ang dumating, hindi lang para malaman kung paano mag-bake ng cookies kundi pati na rin para makita ang aktres. Maganda kung isama pa niya ang boyfriend na si Sam Verzosa.
Bukod kay Rhian, may demo rin sa Day 1 sina Chef Angelica Hong sa kanyang All About Macarons. Si Waldo Deroo, magtuturo ng Innovations in Sourdough: From Tradition to Trend.
Magsasalia rin si Prof. Enrique M. Soriano on Baking for Generations: Securing a Legacy That Outlasts the Founder. Si Chef Jay Wong will talk on The Magic of Silicone Moulds Finger Mousse Snacks. Join din si Abelardo John Bartolome who will talk about Bake to Greatness: Celebrating Native Ingredients in Breadmaking.
And to close the event at 6:00 PM is Chef “Pibo” Bagadion na magtuturo ng Quick Professional Dessert at Home: Chocolate Ganache Tart.
“Be there at the World Trade Center for the Bakery Fair 2025, marami kayong matututunan,” sabi nina Mr. Chris, Wilson Flores, executive vice-president; Jerry Midel, 1st vice-president; and Mr. Christopher Ong, 2nd vice-president.
Comments