Sen. Robin, umaming aso ni ex-P-Du30… “MALAKING INSULTO SA ATING MGA PILIPINO ‘YAN” — RITA
- BULGAR
- 5 hours ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | September 2, 2025

Photo: Robin Padilla at Rodrigo Duterte - Circulated
Nag-react si Rita Avila sa naging pahayag ni Senator Robin Padilla na ipinost ng isang netizen.
Ini-repost ng aktres ang post kung saan naka-quote si Sen. Robin at inaming ‘aso’ siya ni former President Rodrigo Duterte.
Narito ang kumpletong statement ni Sen. Robin na ipinost at inilahad ng netizen: “Ako ay aso niya (FPRRD). Wala po kayong magagawa.”
Sa Instagram (IG) post ni Rita, pinalagan din niya ang pahayag ni Sen. Robin.
Caption niya, “Pet friendly pala sa Senado.
“Humility ang lesson ngayong linggo pero hindi para maging aso ng isang tao.
“Dapat ay serbisyo n’yo po bilang maayos na tao ang ibigay sa mga Pilipino.
“SANA ‘DI TOTOO ‘YAN, ‘DI BA? TAO PO KAYO, SEN. ROBINHOOD. MAY BUTI NAMAN PO KAYO – RITA.”
May mga nagduda kung totoo ba na sinabi talaga ni Sen. Robin na “aso” siya ni FPRRD.
Sinagot ni Rita ang mga nagdududa at in-encourage na puwede nilang hanapin ang source ng kanyang post.
“Malaking insulto sa ating mga Pilipino ‘yan lalo na sa Presidente ngayon,” comment ni Rita.
Comment pa ng isang netizen, “@msritaavila tag natin… baka mahiya… @robinhoodpadilla.”
Reply ni Rita, “Parang hindi. Hindi nga nahiyang sabihin ‘yun. Sen. Robinhood!!! May bait naman po kayo, ‘yun na lang ang ipakita n’yo.”
Pagdududa ng isang netizen, “OMG! With all due respect, Ms. Rita, did he really say this?”
Sagot ulit ni Rita, “SANA TALAGA ‘DI ‘YAN TOTOO. Pero umamin naman s’ya na super maka-Duterte s’ya, ‘di ba? Sinabi niya na kahit sunugin s’ya ay mangangamoy Duterte s’ya?”
Let’s give Sen. Robin Padilla the benefit of the doubt. Baka nga hindi niya sinabi…
Nakikisawsaw daw…
AI AI, INALASKA SI EZ MIL NA NO SHOW SA CALGARY FIESTA FILIPINO 2025, NIRESBAKAN
NABA-BASH ang singer-rapper na si EZ Mil dahil sa hindi natuloy na appearance niya sa Calgary Fiesta Filipino 2025 sa Canada last week.
Taun-taon ang event na ‘yan sa Calgary, Alberta, at isa si EZ Mil sa mga Pinoy artists na kinuhang mag-perform para sa three-day event.
Naglabas ng official statement ang kampo ni EZ Mil days before maganap ang event.
Ayon sa kampo ni EZ Mil, August 30 naka-schedule mag-perform ang singer. Pero isang araw bago ang show, naglabas na ang management niya, ang FFP Records & Management, ng official statement:
“We regret to inform everyone that Ez Mil will not be performing at Calgary Fiesta Filipino as previously scheduled. Unfortunately, due to the event producer’s inability to meet the agreed terms, our artist’s participation will not be possible.”
Ipinaliwanag naman ng aming source kung bakit hindi pinayagan si EZ ng kanyang management na mag-perform.
“Invited si EZ Mil at booked. Hindi nagbayad ang producer kay EZ kaya hindi na s’ya pinasampa sa eroplano ng management niya kahit na pagod na pagod galing Pilipinas,” sabi ng aming source.
Nag-guest pa raw si EZ sa SM Mall of Asia (MOA) Arena sa concert ng Black Eyed Peas at nakipag-duet kay Apl.de.Ap.
Lumipad daw agad ang team ni EZ para makaabot sa Calgary. Ilang linggo hinintay ang bayad pero walang dumating. Walang pumasok na down payment. At ang siste pa, ‘yung receipt o proof of transfer screenshot na ipinadala ay nabuking na fake.
Wala raw kasi ni singko ang nag-reflect sa bank ng management ni EZ Mil. Kahit pending, wala.
Pagpapatuloy ng aming source, “In short, hindi tumuloy gawa ng hindi nga bayad. Eh, ang Calgary, napakarami nang bad experiences ng mga sikat na artists d’yan sa mga producers na walang kuwenta. Kaya naglabas na ng official statement ang FFP Management. Not EZ directly kasi usually, wala namang alam ang artists ‘pag ganyan, ‘di ba?
“May third-party booker ang Fiesta Filipino na SJ Events and Productions ang pangalan. Sila ang kausap ng team ni EZ, not the organizers or main producers ng Fiesta Filipino event.”
Nagulat naman daw ang kampo ni EZ sa mga kumalat na video ng show kung saan isa sa mga special guests na si Ai Ai delas Alas ay nagsalita against their talent.
“Itong si Ai Ai parang featured performer sa ibang day. Kasi three days ‘yung event, kaya nand’yan din sina Kyline Alcantara at Ruru Madrid.
“‘Yung hindi sikat na guy na ipinalit kay EZ, nand’yan, nang-aasar pa gamit ang kanta ng Panalo.
“So, anyways, ang point ko, bakit nakikisawsaw itong si Ai Ai, eh, wala naman s’yang alam? Bakit n’ya live na sinisira si EZ?
“Kasi siguro, nagpaawa ang organizers na kesyo no show si EZ, etc. Bakit naman magno-no show ‘yung bata kung nagbayad sila, ‘di ba?
“So, gawain ba ng kapwa artist ‘yang mambuska ng kapwa artist in public?
“Kahit pa naniwala ka sa producer, ‘di ba? Eh, di manahimik ka. None of your business,” diin pa ng aming source.
Bukas ang aming kolum para sa panig ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas.