5 yrs. naging magdyowa… ELIJAH, UMAMING LOVE PA RIN SI MILES KAHIT BREAK NA SILA
- BULGAR

- 2 hours ago
- 4 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 3, 2026

Photo: YT Ogie Diaz & IG _milesocampo
“As much as I’ve been trying to keep it private, s’yempre, we are going through it. Pero dahil lumalabas na ‘to lahat, I think it’s time for me to say na opo, totoo s’ya (hiwalay na kami) and out of respect for Miles s’yempre, I will always have love for her. Parang kailangang sabihin na lang din na may mga speculations na mas nagpapalala pa sa pinagdaraanan ko, sa pinagdaraanan namin,” pag-amin ni Elijah Canlas kay Ogie Diaz na hiwalay na sila ng aktres-TV host na si Miles Ocampo.
Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang aktor sa Ogie Diaz Inspires vlog na mapapanood sa YouTube (YT), uploaded nitong Martes, Setyembre 1, ngayong ilang buwan na silang hiwalay pagkalipas ng limang taong relasyon.
Matatandaang nagkaroon ng haka-hakang break na sina Elijah at Miles nang mag-trending ang video ng aktor kasama ang singer-actress na si Thea Astley sa isang palengke sa Elyu (La Union), na naging dahilan ng mga espekulasyong may namamagitan sa dalawa at may mga netizens na nagsabing nagloko ang aktor.
Sey ni Ogie, “Tanong ng mga netizens, ‘Bakit sila nag-split? Akala namin, sila na ang ending?’”
Sagot ng aktor, “‘Yun ‘yung masakit na part about it kasi nga, we got back together thinking ‘This is it.’ But that’s what happens with relationships. Ibinigay namin ang lahat, ‘yun ang masasabi ko. And we broke up mutually and very amicably (walang away). And walang hate, at least on my part. Ang masakit, ‘yung ganu’ng klase na mutual (decision) na wala naman talagang problema, pero na-realize n’yo lang na baka ‘di talaga match.
“S’yempre, I don’t want to go into full details out of respect to her and to our relationship and yeah, ‘yun po ang totoo. And sana, ‘yung pag-speculate na wala naman kaming magagawa, we’re public figures, it comes with the job.
“Minsan, masakit kasi ‘di nila alam ‘yung totoo, wala naman silang alam, that’s how I like to keep it. ‘Yung pinagdaanan namin, sa amin ‘yun. ‘Yung pagmamahalan namin, sa amin ‘yun and ang dami naming pinagdaanan, sobrang dami naming pinagdaanan.
“So sana po, respetuhin ng mga tao ‘yun. And sana, go easy with Miles, go easy on me, and let us heal,” diin ni Elijah.
“Still friends?” tanong agad ni Ogie.
“Friends? I don’t know if I can say that now. We broke up amicably, yes, but s’yempre, we were together for 5 years, Mama Ogs. It’s not just easy to jump back as friends like that. A couple of months (hiwalayan) pa lang. It’s been very fresh and I’ll be open about it, the love will always be there,” malumanay na pahayag ni Elijah.
“May nag-akusa sa ‘yo na cheater ka kasi, how would you answer that?” tanong ni Ogie.
Natawa ang aktor, “It’s not true! Miles would know, it’s not true. People close to us would know that it’s not true. There’s no third party involved. Walang ganu’n talaga, ever. Pero I don’t wanna come up as defensive kasi like even press people ask, I try not to say that, pero ‘yun ang totoo na wala naman talaga.
“Pero s’yempre, I guess ‘yun talaga ang madalas na nangyayari, ‘yung speculations when it comes to a couple breaking up na lalaki ‘yung may kasalanan, nagloko ‘yung lalaki. Sobrang mahal na mahal ko po ‘yun and na-experience ko na rin ma-ganu’n (maloko), kaya ‘di ko gagawin ‘yun sa kanya.”
Nilinaw ng binata na hindi totoong magka-holding hands sila ni Thea kundi iniurong lang niya dahil kukunan niya ng picture at ‘yung kasama ng dalaga.
“OA (overacting) nga po ng headline, magka-holding hands daw kami, ‘di po totoo ‘yun,” diin ni Elijah.
Nagpunta ng Elyu si Elijah para magbakasyon dahil sunud-sunod ang trabaho niya, gustong mag-beach kaya niyaya ang mga kaibigan.
Samantala, wala raw planong magdyowa sa ngayon si Elijah.
Aniya, “It’s not time for that at all. Right now I’m focused on work, I’m focused on myself. I was in a relationship for 5 years, that’s a long time of my life, and those 5 years I don’t regret any of it. Those were the best 5 years of my life.”
‘Di pa sila umaamin ni Matteo, pero kalat na…
SUMPA KAY SARAH, BINAWI NA RAW KAYA NABUNTIS NA
Kalat nang buntis si Sarah Geronimo kaya ang hinihintay ng lahat ay kung kailan sila aamin ni Matteo Guidicelli sa publiko tungkol dito.
Matatandaang hinulaan ng tarot card reader na si Mamu Gloria Escoto si Sarah na hindi siya magkakaanak dahil may gumawa (sumpa) sa kanya, pero kapag binawi na ay mabubuntis na ito.
Isa pang natsitsismis na buntis ay ang aktres na si Kim Chiu na kahit ilang beses siyang ipagtanggol ng mga fans ay hindi namamatay ang tsika.
Nagtataka naman ang mga netizens kung bakit walang pagtanggi mula sa aktres gayung aktibo naman ito sa kanyang social media at sa katunayan ay nag-shout-out siya sa mga kinauukulan dahil sa kaliwa’t kanang baha sa buong bansa.
Ano kaya ang sey ni Kim tungkol dito? Bukas ang BULGAR sa pahayag niya.





Comments