5 tserman sa Ilocos Norte, niregaluhan ng mga gamit panglamay

Dec 14, 2023
1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | December 14, 2023

Nakatanggap ang 5 barangay chairman sa Sarrat, Ilocos Norte ng kandila at mga gamit panglamay bilang regalo.
Ang bawat regalo ay may pangalan ng mga brgy. chairman na hindi pa natutukoy kung saan at kanino nanggaling.
Kasalukuyang pinaiimbestigahan ang insidente sa mga otoridad.
Dinagdagan naman ang mga tao sa provincial office ng Ilocos Norte para masiguro ang kaligtasan ng mga kapitan.





Comments