top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

5 taong tigil-operasyon ng PNR, paghandaang maigi

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 18, 2023
  • 1 min read

@Editorial | Pebrero 18, 2023


Limang taon umanong titigil ang operasyon ng Philippine National Railways (PNR).


Ito ay para magbigay-daan sa pagtatapos ng North South Commuter Railway (NSCR).


Nakikipag-ugnayan na umano ang pamunuan ng PNR sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa posibleng alternatibong ruta ng transportasyon kapag pansamantala nang tumigil ang operasyon ng PNR.


Mahabang panahon ang limang taon, talagang maaapektuhan ang mga komyuter at kasunod na niyan ang daloy ng trapiko at ang kabuuan ng paghahanapbuhay o ng ekonomiya.


Kailangang pag-aralang maigi ang posibleng maging sitwasyon. Siyempre, unang-una sa dapat isipin ay ang pagbubukas ng mga alternatibong sasakyan gaya ng jeep at bus. Kung kinakailangang magdagdag ng ruta o biyahe, planuhin na.


Ngayon, kung magiging masyadong pahirap ang buong tigil-operasyon, baka puwedeng partial stoppage muna. Magkaroon muna ng mga partial o segmental stoppage ng operasyon.


Habang wala pang eksaktong petsa ng tigil-operasyon, may panahon pa ang PNR at iba pang ahensya ng gobyerno na may kaugnayan dito na makapag-isip ng mga posibleng alternatibo.


Mauunawaan naman ng taumbayan ang mga ganitong sitwasyon, lalo na kung ang resulta naman ay mas magpapagaan pamumuhay at magpapaunlad sa kabuhayan.


Kailangan lang na magkaroon pa rin ng mga alternatibong paraan para hindi masyadong mabigat ang pasanin sakaling may mga pagbabagong gagawin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page