5 sasakyan inararo ng trak, 15 nadale

ni Mai Ancheta @News | October 18, 2026

Photo: Madugong aksidente ang sumalubong sa mga motorista nitong Sabado ng umaga matapos araruhin ng isang dump truck na nag-overshoot umano sa kurbadang bahagi ng highway sa Brgy. Dolores, Taytay, Rizal. (Mai Ancheta)
Sugatan ang 15 katao matapos ang insidenteng kinasangkutan ng isang dump truck at limang sasakyan sa Brgy. Dolores, Taytay, Rizal nitong Sabado ng umaga, Oktubre 17.
Batay sa imbestigasyon, inararo ng dump truck ang limang sasakyan matapos umanong mag-overshoot sa isang kurbada at pababang bahagi na naging dahilan para mahagip ang ilang sasakyan bago tumagilid ang truck.
Kabilang sa mga nadamay sa aksidente ay isang pampasaherong jeep na may mga sakay na pasahero, tricycle at motorsiklo, isang multi-purpose vehicle (MPV) at isang Mitsubishi Xpander kung saan naipit pa ang driver sa loob ng sasakyan.
Mabilis namang nagresponde ang mga rescue team ng pamahalaang bayan ng Taytay at dinala ang mga sugatang biktima sa pagamutan.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente pati na ang pagsubaybay sa kalagayan ng mga sugatang biktima.





Comments