top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

5 rescuers sa Bulacan patay kay ‘Karding’

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 26, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | September 26, 2022



Nasawi ang limang rescuers sa nangyaring flash flood sa Barangay Camias sa San Miguel, Bulacan, sa kasagsagan ng Bagyong Karding nitong Linggo ng gabi.


“Meron tayong casualty na lima. Lima po, ating PDRRMO (Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office) galing probinsya, mga nag-rescue. Sila po ang namatay dahil tumama po doon sa pader,” pahayag ni San Miguel Mayor Roderick Tiongson sa isang public briefing ngayong Lunes.


Batay sa spot report mula sa Central Luzon regional police, kinilala ang mga biktima na sina Narciso Calayag, Jerson Resurecion, Marvy Bartolome, George Agustin at Troy Justin Agusin.


Sa interview ngayong Lunes ng umaga ng GMA News kay Bulacan Governor Daniel Fernando, apat sa limang PDRRMO personnel ay agad na narekober habang ang isa ay unang nai-report na nawawala.


“Actually, lima ‘yan. Apat na ngayon ang confirmed dead. Mga ano natin 'yun, team natin sa PDRRMO. Mga empleyado po natin 'yun,” pahayag ni Gov. Fernando.


Gayunman, kalaunan ang nawawalang isang rescuer ay nakumpirma ring nasawi.


Base sa police report, dinala na ang mga bangkay ng limang rescuers sa isang funeral home.


Ayon kay Fernando, ang mga rescuers ay gumamit ng bangka matapos na masira ang kanilang truck habang patungo na ang mga ito sa kanilang misyon. Dahil sa pagragasa ng tubig o flash flood sanhi ng bagyo, isang pader ang nag-collapse at tumama sa kanila.


Sinabi naman ng gobernador na magbibigay sila ng assistance sa mga pamilya ng mga namatay na rescuers.


Aniya pa, nasa 2,000 indibidwal ang nananatili sa mga evacuation centers dahil sa ilang mga lugar sa lalawigan ang lubog pa rin sa baha.


Ayon kay Tiongsion, may 49 barangay sa San Miguel ang binaha.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page