top of page
Search
  • BULGAR

5 miyembro ng DI-MG, napatay sa engkwentro sa Lanao del Norte

ni Angela Fernando @News | April 30, 2024


Limang miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute Group (DI-MG) ang napatay sa dalawang magkasunod na engkuwentro sa mga militar ng pamahalaan sa Lanao del Norte nu'ng umaga ng Lunes.


Nagpahayag si Major Gen. Gabriel Viray III, commander ng 1st Infantry Division (ID) ng Army, na ang mga engkwentro ay nagresulta sa pagkasugat ng limang sundalo na ngayon ay nasa stable na kondisyon.


Ayon kay Viray, ang mga militar ay nasa decisive operation bandang 3:42 am sa Brgy. Cadayonan sa Munai, Lanao del Norte, nang makasagupa nila ang umaabot sa 12 miyembro ng DI-MG sa ilalim ni Nasser Daud.


Nakuha sa pinangyarihan ang mga bangkay ng limang pinatay na miyembro ng DI-MG, pati na rin ang dalawang high-powered firearms at ilang kagamitan, kabilang ang isang rifle grenade.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page