top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

5 malls sa Metro Manila, katuwang sa ‘register anywhere’ drive ng Comelec

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 5, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | December 5, 2022



Limang malls sa National Capital Region (NCR) ang napili ng Commission on Elections (Comelec) para maging katuwang sa kanilang “register anywhere” drive simula Disyembre 17, 2022 hanggang Enery 25, 2023.


Sa televised public briefing ngayong Lunes, tinukoy ni Comelec spokesperson Atty. Rex Laudiangco ang mga establisimyento na idineploy ang “register anywhere” ng ahensiya ay Mall of Asia, SM Fairview, SM South Mall, Robinsons Galleria, at Robinsons Place Manila.


“Nagkataon pong hindi kayo nakatira sa Metro Manila at gusto niyo pa rin bumoto doon sa munisipyo ninyo, halimbawa Tuguegarao o taga-Cavite, nagkataon nandito kayo, puwede po kayo pumunta sa register anywhere booth,” pahayag ni Laudiangco.


Ayon kay Laudiangco, ang mga thumbprints at iba pang biometrics ay isasagawa sa booth at ipapadala ito ng Comelec sa munisipalidad ng voter.


“Napakaganda po kasi nito para sa ating mga mag-aaral, nagtatrabaho sa Metro Manila, na walang pagkakataong umuwi sa kanilang mga probinsya,” sabi ng opisyal.


“Pati na rin po ‘yung mga paalis na mga OFW, pati na rin po ‘yung mga seaman, ito po ay bukas ang pinto ng Comelec para po sila makapagrehistro,” dagdag ni Laudiangco.


Kaugnay nito, sinabi ni Laudiangco na ang mga indibidwal naman na nais na i-reactivate ang kanilang voter ID ay hindi kailangang bumisita sa mga Comelec offices.


Aniya, ang naturang form ay maaaring i-download sa Comelec website at ipadala ito sa Comelec election officer.


Anumang concerns patungkol sa voter registration record ay maaaring ipadala sa registrationstatus@comelec.gov.ph.


“Meron po ‘yung email address, nandoon po ‘yan sa website ng Comelec at ie-schedule po nila kayo ng video conferencing para makapagpanumpa po kayo online,” saad pa ni Laudiangco.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page