5 iba pa at Hannah Rosa kakasahan ni Tito Gene
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | February 24, 2022
Tiyak na bakbakan agad ang masisilayan ng mga karerista sa Race 1 ngayong araw ng Huwebes.
Magtatagisan ng bilis ang limang tigasing kabayo sa Condition Race (24) sa distansiyang 1,400 meter na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Inaasahang maraming liyamadistang susuporta sa kalahok na si Hannah Rosa na rerendahan ni AS Pare pero ayon sa ibang karerista, posibleng magbigay ng magandang laban si Tito Gene na sasakyan ni FS Parlocha. Ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De leon ay sina Boy 'Sofmeadows, Halo Diamond at Mabalor.'
"Sarap panoorin 'yan, magagaling kasi ang mga kasali," saad ni Jestoni Cepeda, veteran karerista.
Pitong balanseng karera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw kaya paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Samantala, nagpakitang gilas si Spandau Ballet noong Linggo ng hapon nang manalo sa 2022 PHILRACOM "Commissioner's Cup" Division III na inilarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Nasilayan ng mga karerista ang tikas ni Spandau Ballet ng lampasan nito si Fortissimo sa rektahan.
Ginabayan ni jockey Pabs Cabalejo, hindi nito inapura sa largahan si Spandau Ballet na nanood ng bakbakan ng matutuling sina Cam From Behind, La Liga Filipinas at Kid Baloloy.
Pagsapit ng huling 600 metro ng karera ay nakuha na ni Kid Baloloy ang unahan, malakas naman ang dating ni Fortissimo. Naagaw ni Fortissimo ang unahan sa hometurn at hawak nito ang dalawang kabayong agwat kay Kid Baloloy subalit sa bandang labas ay humaharurot si Spandau Ballet at walang kahirap-hirap na nilampasan ang mga kalaban.
Tinawid ng anak nina Stately Victor at Baywatch Girl, Spandau Ballet ang meta ng may dalawa't kalahating kabayong agwat sa pumangalawang si Fortissimo.
Inirehistro ni Spandau Ballet ang 1:41.6 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ang premyong P300,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
Sinikwat ni Fortissimo ang P100,000 habang napunta sa third at fourth placers na sina Hook On D Run at Bomod Ok Falls ang tig P50,000 at P25,000 ayon sa pagkakasunod.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Tito Gene (2), Hannah Rosa (5)
Race 2. Ranagant (12), Daldalero, Ring A Bell (5)
Race 3. Book Of Joy (8), Crown Jewel (4), Samantha/Don Lucas (2A/2)
Race 4. I'll Be There (2), Bishop Blue (3), Achilles (7)
Race 5. Jawo (10), Great Connection (8), Ola Ola Inday (2)
Race 6. Goldbar (4), Rafa (3)
Race 7 - My Dear Magnolia (11), Coldplay (3), Speedy Chase (1)
Patok - Goldbar
Pandehado - Tito Gene, Book Of Joy





Comments