5 bagito, aarangkada sa 3-YO Maiden Race
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |September 4, 2022
Magpapasiklaban ang limang bagitong kabayo sa pag-arangkada ng 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Markado ng mga karerista si Raga Muffin na rerendahan ni jockey EA Abrea sa distansiyang 1,200 meter race na pakakawalan sa unang karera.
Komento naman ng ibang karerista, partikular ang mga dehadista na posibleng magbigay ng mgandang laban kay Raga Muffin si Sentinel Node na sasakyan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate.
Nakalaan ang added prize na P10,000 para sa mananalong 3-year-old lamang, ang ibang kalahok ay sina Columbus, Glorious Son at Headstrong. Anim na tigasing kabayo ang magtatagisn ng bilis sa Condition Race (20) na pakakawalan sa pang-anim na karera.
May distansya rin itong 1,200 meter race, ang maglalaban-laban ay sina Copy Cat, Mandatum, Prettiest Star, Security Supreme, Tool Of Choice at Eye Opener.
Posibleng magdomina sa takilya ang mga kalahok na Security Supreme at Prettiest Star sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. Samantala, may 11 karera ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Raga Muffin (4), Sentinel Node (2)
Race 2 - Caraga Wonder (5), Eunice And Aiah/Charm Luck (4/4A)
Race 3 - Hook The Hustler (8), Lucky Noh Noh (5), Double Happiness/Hot Rot Hearts (3/3A)
Race 4 - Iron Hook (4), Big Hook (6), This Time (3)
Race 5 - Den Deren Denden (1), My Sharona (4), Signature Move (2)
Race 6 - Security Supreme (4), Mandatum (2)
Race 7 - Bowties And Charm (4), Ring A Bell/Boni Avenue (5/5A), Katuparan (8)
Race 8 - Havana Ohhnana (6), Alonzo Hall (1)
Race 9 - Amelia (6), Panday Pira (7), Pass Your Paper (8)
Race 10 - Manila Boy (6), Beastmode (5)
Race 11 - Aroma (7), Smart Bell (9), Bullet (5)





Comments