5-anyos, todas sa stepdad
- BULGAR

- Sep 3, 2023
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | September 3, 2023

Patay ang isang limang taong gulang na bata matapos umanong paluin ng bote sa ulo at suntukin sa mata ng kinakasama ng kanyang ina sa San Pedro City, Laguna.
Batay sa report ng San Pedro City Police, wala ang ina ng biktima nang mangyari ang pananakit ng suspek.
Iniwan umano ng ina sa suspek ang bata para maghanap ng tulong upang maipagamot ang maysakit na anak.
Gayunman, laking panlulumo ng ina nang madatnan ang kalagayan ng anak kaya isinugod agad sa ospital subalit hindi na naisalba ng mga doktor.
Pinaghahanap na ang hindi pinangalanang suspek upang mapanagot sa ginawang pagpatay sa anak ng kinakasama.





Comments