top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

4th wins, ipininta ng E-painters vs. Dyip

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 2, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 02, 2021




Pinutol ng Rain or Shine Elasto Painters ang kanilang dalawang sunod na pagkatalo mula sa masigasig at mahigpit na depensa sa 4th quarter upang ipintang muli ang panalo kontra sa win-less na Terrafirma Dyip, 83-77, kahapon sa pagpapatuloy ng elimination round ng 46th PBA Philippine Cup sa Ynares Arena sa Pasig City.


Naglunsad ng matinding trapping defense na isinalin sa magandang opensa ang Elasto Painters sa huling canto mula sa pangunguna ni veteran forward Gabe Norwood na tumapos ng 15 pts at 3-of-5 sa three-point line upang muling manalo, habang ginabayan siya nina Rey Nambatac na naguna sa 17 pts at Adrian Wong na may 15 pts. “We just put our energy and keep up on defensive ends, which we converted into offense,” pahayag ni Norwood matapos ang laro, na kumubra ng kanyang conference high.


Matapos ang 3-2 iskor na kalamangan sa pagsisimula ng laro, muling natikman ng E- Painters ang bentahe mula sa dalawang free throws at 3-point basket ni Gabe Norwood sa 7:49 ng laro para sa 71-67 sa 4th quarter. Sinundan muli ito ng magkasunod na tres nina Norwood at Mark Borboran at lay-up ni Jayvee Mocon upang palobohin ang kalamangan sa 12-puntos sa 79-67, sa nalalabing 5:27 ng laro sa 4th period.



Dito na pinanatili ng E- Painters ang bentahe sa laro at tuluyang ibinigay sa Terrafirma Dyip ang ika-apat na sunod na pagkatalo. Nasayang ang 20 pts ni Juami Tiongson, gayundin ang double-double ni Roosevelt Adams sa 13 pts.


Sunod na sasagasaan ng Dyip ang 10th seeded na Phoenix Super LPG FuelMasters sa Miyerkules, Agosto 4 sa main game ng 6 p.m. habang susubukang puminta ng Elasto Painters kontra sa Barangay Ginebra San Miguel sa Biyernes, Agosto 6 sa second game ng 3 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page