top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Filipinas Booters, bronze sa SEAG; Azkals coach Cooper, nagbitiw

BULGAR
May 23, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 23, 2022



Mag-uuwi ang Pilipinas ng medalyang tanso na katumbas ng isang ginto matapos maukit ang milagrong 2-1 panalo kontra Myanmar sa Women’s Football ng 31st Southeast Asian Games Sabado sa Cam Pha Stadium. Dalawang goal sa second half buhat kay Sarina Bolden at Quinley Quezada ang naging daan para sa unang medalya ng bansa matapos ang 37 taon.

Kahit lumamang agad ang Myanmar sa first half, 1-0, hindi sumuko ang Filipinas at tumanggap ng magandang pasa si Bolden mula kay Carleigh Frilles sa ika-73 minuto upang itabla ang laban sa 1-1. Matapos lang ang tatlong minuto ay pinalamang ni Quezada ang Filipinas, 2-1, sa kanyang malapitang sipa sa gitna ng agawan sa bola sa harap ng goal ng Myanmar.

Dalawang minuto lang ang idinagdag sa orasan ng reperi at pumabor ito sa Filipinas at inalagaan nila ng mabuti ang bola. Pagpito ng reperi ay nagdiwang sila na parang nagwagi ng ginto at umani ng paghanga sa tinatayang mahigit 11,000 na manunuod.

Samantala, nagbitiw na si Scott Cooper bilang head coach ng Philippine men's national football team, ayon sa Philippine Football Federation (PFF) kahapon ng umaga.


Tatlong taon nag-coach sa Azkals si Cooper matapos ang 2019 AFC Asian Cup. "We thank coach Scott for sharing his knowledge, time, effort and making great sacrifices to our men’s national team program," ayon kay PFF national teams’ committee chairman Dan Palami.


Nabigo naman sa podium si weightlifter Kristel Macrohon, ang gold medalist noong 2019 SEAG sa Hanoi makaraang sumabak sa mas mataas na weight class.


Nalagay si Macrohon, 25 sa 4th place ng +71kg division kahapon sa Hanoi Sports Training and Competition Centre at hindi niya nagawang makapagdagdag ng medalya mula sa 31st SEAG.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page