48% Pinoy, tiwalang bubuti ang lagay ng buhay sa susunod na 12 buwan — SWS

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 13, 2023

Positibo ang 48% na matatandaang Pinoy na gaganda ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan, habang 40% naman ang naniniwalang wala itong magiging pagbabago, ayon sa resulta ng non-commissioned quarterly survey ng Social Weather Stations (SWS).
Samantala, 6% naman ang mga Pinoy na naniniwalang mas bababa ang kalidad ng kanilang pamumuhay at ang natitirang 7% naman ay tumangging magbigay ng sagot.
Ang sarbey na ito ay ginawa nu'ng buwan ng Setyembre at inilabas ang resulta nitong Martes.
Ayon sa SWS, nagresulta ito sa mahigit 42 na net personal optimism score.
Halos pareho ang resulta nito sa nagdaang +41 score sa sarbey nu'ng Hunyo ngayong taon.





Comments