top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

47 Pinoy namamatay kada araw dahil sa bisyo... Taas-presyo sa alak

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 27
1 min read

ni BRT @Business News | April 27, 2026



Liquor, beer, alcohol store, GIn ban


Posibleng tumaas ang presyo ng alak kapag naaprubahan ang panukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na pagtataas ng buwis sa nasabing inumin dahil 47 Pilipino umano ang namamatay sa bisyo na ito kada araw.


Ayon kay Akbayan Partylist Rep. Dadah Kiram Ismula, panahon na para itaas pa ang tax sa alak dahil bukod sa masama umano ito sa kalusugan ay ito ang dahilan kung bakit maraming namamatay sa aksidente.


“Sa gitna ng economic crisis na kinakaharap natin ngayon, ayokong umabot tayo sa punto na sasabihin ng gobyerno: ‘Wala na tayong budget para sa libreng gamot’ o ‘Ubos na ang

pera para sa treatment’,” dagdag pa ng mambabatas.


Ito ang dahilan kaya inihain ni Ismula kasama ang mga kapartido sa Kamara para ihain ang kanilang House Bill (HB) 5475 para patawan ng mas mataas na buwis ang lahat ng uri ng alak upang tuluyang umiwas ang mga tao sa bisyong ito.


Sa ilalim ng panukala, itataas sa P88 ang ad valorem tax sa bawat litro ng alak mula sa kasalukuyang P48 habang ang specific tax na P47 ay nais ni Ismula na gawin itong P109 kada litro.


Kapag naisabatas ito, taun-taon ay tataas ang mga buwis na sisingilin sa bawat litro ng alak kasama excise at value added tax (VAT) na sinisingil ng mga manufacturers sa mga consumers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page